Tiniyak ng Malakanyang na bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahing face-to-face learning sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na una na itong napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) pero mariin nitong iginiit ang pagtutol ng pangulo sa face-to-face learning.
Kaugnay nito, nakahanda na ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa August 24, 2020.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, ipapatupad pa rin ng ahensya ang distance learning sa darating na pasukan.
Siniguro naman ni Briones na sakaling ipatupad na ang face-to-face learning ay susunod sila sa minimum standards tulad na lamang ng social distancing sa mga paaralan.
Facebook Comments