Tiniyak ng Malacañang ang tulong para sa mga naapektuhan ng 6.6 magnitude na lindol sa Masbate, kaninang umaga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon nang mga nakalaan na ayuda at humanitarian assistance para sa mga ganitong sakuna.
Aniya, dadagdagan ng pamahalaan ang mga pangangailangan at maipaaabot na tulong sa lalong madaling panahon.
Sinabi naman si Roque na natitiyak niyang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na pumuntang Masbate para alamin ang pinsalang iniwan ng lindol.
Aniya, baka nga awayin pa ng Pangulo ang Presidential Security Group (PSG) kung pipigilan siya ng mga ito.
Facebook Comments