Hindi kabuuan ng bilateral relations ng Pilipinas at China ang isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos i-invoke ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2016 arbitral ruling sa United Nations General Assembly (UNGA) kung saan kasama rin si Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari namang isulong ang iba pang aspeto ng relasyon gaya ng investment at trade.
Aminado naman si Roque na hindi magkakaroon ng resolusyon sa territorial dispute sa hinaharap sa kabila ng ginawa ni Pangulong Duterte sa UNGA.
Kasabay nito, hinamon ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario si Pangulong Duterte na kumilos at totohanin ang paggigiit sa arbitral ruling sa West Philippine Sea.
Aniya, mahalagang madagdagan ang mga bansang sumusuporta sa arbitral ruling para mapansin ang isyu sa UNGA 2021 at ma-pressure ang mga kinauukulan na ipatupad ang ruling.
Sa kabila nito, winelcome ni Del Rosario ang pagbanggit ng Pangulo sa arbitral win sa UNGA na nangangahulugang nakikinig ito sa sinasabi ng mga Pilipino.