Malakanyang, tiniyak na iimbestigahan ang ₱1 bilyon halaga ng umano’y smuggled rice sa Iloilo

Tiniyak ng Malakanyang na iimbestigahan nito ang umano’y pagkakapuslit ng ₱1 bilyong halaga ng bigas sa Iloilo.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, tiyak na masisilip ang ulat na ito sa gitna ng maigting na kampanya ng pamahalaan kontra sa smuggling.

Aniya, lahat ng ilegal na aktibidad ay dapat lamang na dumaan sa kaukulang imbestigasyon at tiyak na gagawan ito ng aksyon ng pamahalaan, lalo na’t bahagi ito ng mandato ng ehekutibo.


Dagdag pa ni Angeles, kasama nila sa hakbang na ito ang mga kaukulang ahensya na dapat ay nagtatrabaho ng naaayon sa kanilang tungkulin.

Ang P1 bilyong halaga ng umano’y smuggled rice ay ibinaba sa Port of Iloilo at naipalabas sa tulong ng mga umano’y tiwaling kawani sa pamahalaan.

Facebook Comments