Malakanyang, tiniyak na kayang pangalagaan ang mga COVID-19 patient sa bansa

Tiniyak ng Malakanyang na kayang-kaya ng bansa na pangalagaan ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokeperson Harry Roque, 5,562 na ang naitalang nasawi sa bansa na ibig sabihin ay nasa 1.75% ang mortality rate.

Nangangahulugan ito na napapangalagaan ang mga malubha o kritikal ang kalagayan.


Dagdag pa ni Roque na napabuti na ang critical care capacity ng bansa dahil natuto na ang pamahalaan sa mga pagkakamali nito.

Umapela rin ito sa mga nakatanggap ng libreng testing machines at testing kits na sana’y mahiya at huwag nang abusuhin pa ang taong bayan.

Sa ngayon, aabot na sa 3.5 milyon ang na-test sa buong bansa.

Facebook Comments