Welcome sa Malakanyang ang maagang pagkakapasa ng P4.506 trillion 2021 national budget.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mabibigyan ng sapat na panahon at oras si Pangulong Rodrigo Duterte para rebisahin at i-veto ang mga nakapaloob sa 2021 national budget kung kinakailangan.
Aniya, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng hakbang para masiguro na maayos na mao-operate ng gobyerno ang bagong budget sa Enero 1, 2021.
Sa datos mula sa tanggapan ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara, sa niratipikahang bersyon ng 2021 budget, ang education sector ay tatanggap ng P708.181 billion na pondo.
Kabilang dito ang Department of Education, State Universities and Colleges, Commission on Higher Education, at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang Department of Public Works and Highways naman ang pangalawa sa may pinakamalaking budget na P694.822 billion, habang ikatlo ang health sector na may P287.472 billion.