Malakanyang, Tiniyak Na Makipagtulungan Sa Susunod Na Administrasyon

2

MANILA – Tanggap at iginagalang ng administrasyong Aquino ang resulta ng katatapos lang na halalan.Sa isang press conference sa malacañang, sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na kampante ang palasyo na maipagpapatuloy ng susunod na pangulo ang mabuti nang nasimulan ng administrasyong Aquino.Sinabi naman ni Coloma na wala pang ideya ang Malacañang kaugnay sa pinaplanong transition of government ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sakaling ito na ang i-proklamang presidente.Sa kabila nito, tiniyak naman ni Coloma na nakahanda na ang palasyo na makipagtulungan sa susunod na administrasyon.Samantala … sinabi ni Coloma na nakahanda umanong magbigay ng payo si Pangulong Aquino kay Mayor Duterte sakaling kunin itong adviser.

Facebook Comments