Malakanyang tiniyak na papanagutin ang mga responsable sa pagkamatay ng isang kadete dahil sa hazing

258

Hindi kukunsintihin ng malakanyang ang anumang uri ng iligal na gawain at karahasan sa bansa kabilang na ang hazing.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Philippine Military Academy na nasawi sa hazing si cadet fourth class Darwin Dormitorio.


 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, patas na ipatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kahit na sa PMA pa nangyari ang karahasan.

 

Malinaw aniyang nakasaad sa Republic Act 11053 o anti-hazing law of 2018 ang magiging parusa para sa mga dapat managot sa krimen.

 

Mababatid na dalawampung kadete ang nahaharap ngayon sa imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni Dormitorio.

 

Una nang nagpa-abot ng pakikiramay ang PMA sa pamilya ng nasawing kadete.

Facebook Comments

From Advertisers