Wala paring kumpirmadong panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa laging handa press briefing sa Malakanyang, binigyang diin ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na ang 3 kaso ng COVID-19 ay pawang mga Chinese nationals at isa nga dito ang nasawi.
Para sa araw na ito, sinabi ni Nograles na 132 na Patients Under Investigation (PUIs) ay kasalukuyang naka-admit sa mga ospital sa bansa.
May nauna nang 474 na Patients under Investigation o PUIs ang napalabas na ng ospital matapos lumabas sa mga pagsusuri na negatibo sila sa COVID-19.
Umaasa si Nograles, na sa patuloy na kooperasyon ng lahat ng mga Pilipino ay mapapanatili ng bansa ang tagumpay nito sa pag-iwas ng local transmission ng COVID-19.
Tiniyak din nito na sapat ang testing kits sa bansa para ipansuri sa mga potential PUIs sa mga darating pang mga linggo.