Malakanyang, tiniyak na walang pagtaas ng presyo sa mga karne ng manok sa bansa

Tiniyak ng Malakanyang na walang mangyayaring taas presyo sa karne ng manok kasunod ng bird flu outbreak sa Pampanga.

Ayon Kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naka-monitor sila sa presyuhan ng mga poultry products sa merkado maging sa kalidad ng mga ito.

Aniya, binabantayan nilang maigi ang mga posibleng manamantala sa sitwasyon.


Bagaman iisang lugar lamang sa bansa ang apektado ng bird flu, hinikayat nila ang publiko na siguruhing hindi kontaminado ang mga karne ng manok na nasa mga palengke at iba pang pamilihan.

Naniniwala naman ang Malakanyang na mabilis ang naging aksyon ng Department of Agriculture para i-isolate at i-contain ang bird flu virus.

Facebook Comments