Malakanyang, umaasang magpapatuloy pa rin ang NTF-ELCAC sa susunod na administrasyon

Umaasa ang Palasyo na ipagpapatuloy pa rin ng sinumang susunod na pangulo ng bansa ang National Task-Force to End Local Communist and Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles, marami nang mga rebelde ang nagbalik loob sa pamahalaan at ngayon ay namumuhay na ng maayos kasama ang kanilang pamilya.

Lahat aniya ng mga nagbalik loob ay nabibigyan ng suporta, kabuhayan at libreng pabahay ng pamahalaan.


Ang NTF-ELCAC ay nilikha sa ilalim ng Executive Order No.70 sa layuning tapusin ang higit 50 taon nang rebelyon sa mga kanayunan.

Facebook Comments