Kinuwestiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang report ng Human Rights Watch na may pananagutang kriminal ang Pangulong Duterte sa anila’y human rights calamity sa Pilipinas.
Ayon kay Panelo, hindi dapat makialam ang naturang foreign group sa Justice System ng Pilipinas.
Kung totoo aniyang may human rights violation sa Davao noong ang alkalde pa si Pangulong Duterte, dapat sana ay noon pa kinasuhan ni dating Commission on Human Rights Chairperson at ngayon ay Senadora Leila De Lima ang incumbent Philippine President.
Facebook Comments