MALAKAS NA HANGIN | First day ng Lubao International Balloon and Music Festival, kinansela

Lubao, Pampanga – Kinansela ng mga organizer ang pagpapalipad ng mga hot-air balloon para sa unang araw ng Lubao International Balloon and Music Festival sa Pampanga.

Papalipad na sana ang nasa 30 hot-air balloon sa Pradera Verde pero biglang lumakas ang hangin.

Humingi naman ng paumanhin ang assistant events director na si Eugene Lee sa mga dumayo pa ng Pampanga para masaksihan ang balloon festival.


Sa loob ng limang taon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinansela ang naturang event.

Facebook Comments