Malakas na lindol sa Batanes, magsisilbing aral para seryosohin  ang mga earthquake drill – Philvolcs

Muling  nagpaalala ang Philvolcs sa publiko na dapat seryosohin ang mga isinasagawang earthquake drill.

Dito kasi masusukat ang kahandaan ng LGUs at ng mga residente kung sakali man na may tumamang kalamidad.

Ginawa ni Phivolcs director Renato Solidum ang pahayag matapos makatanggap ng impormasyon na binabaliwala, tinawanan at nagalit pa ang ilang residente at netizen nang   dahil sa metro manila shake drill ngayong araw.


Ayon kay Solidum, gumagalaw ang west valley fault kada apat hanggang 6 na raang taon base na rin sa obserbasyon sa nakalipas na 1600 years.

At ito naman ay posibleng mangyari o tumama sa ating henerasyon kaya’t mas mainam na  lagi tayong handa.

Samantala ayon kay Solidum, magsisilbing aral ang nangyaring malakas na lindol sa Batanes sabay ng muling paalala na dapat maging seryoso ang publiko sa mga isinasagawang earthquake drill.

Facebook Comments