Malakas na lindol sa Mindanao, patunay na kailangang maisabatas ang panukalang evacuation centers sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa buong bansa

Iginit ngayon ni General Santos City Rep. Loreto Acharon ang kahalagahan na tuluyang maisabatas ang panukalang pagtatayo ng evacuation centers sa 1,488 na munisipalidad at 146 na lungsod sa buong bansa.

Binigyang diin ito ni Acharon sa kanyang privilege speech matapos ang nangyaring malakas na lindol sa Southern Mindanao noong November 17.

Ang House Bill 7354 para sa pagtatayo ng typhoon at earthquake resilient na evacuation centers sa buong bansa ay pinagtibay na ng Kamara.


Paliwanag ni Acharon, mahalagang matatag sa laban sa mga structural damage ang itatayong evacuation centers para ligtas ang mga ililikas dito tuwing may kalamidad.

Kaugnay nito ay nagpasalamat na rin si Acharon sa agad na pagresponde at pagbibigay ng tulong mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, pati ng Kamara sa mga biktima ng lindol.

Facebook Comments