Malakas na lindol, walang epekto sa pinangangambahang ‘The Big One’ o paggalaw ng West Valley Fault

Kasunod ng magnitude 5.7 na lindol sa Occidental Mindoro, tiniyak ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum na hindi ito nakakaapekto sa West Valley Fault.

Kung maaalala, binabantayan ang West Valley Fault dahil sa pinangangambahan na ‘The Big One’ kung saan tatamaan ang Metro Manila, kalapit na lalawigan at libo-libo ang maaring masawi.

Ayon kay PHIVOLCS Director Solidum, mahina pa ang nasabing lindol para makaapekto sa ibang trench.


Sinabi ni Solidum na Manila Trench ang gumalaw kanina na lumikha ng paggalaw ng lupa.

Sa ngayon, meron pang inaasahang aftershock pero posibleng hindi na nito mahihigitan pa ang naitalang magnitude 5.7.

Kung sakaling magkaroon aniya ng malakas ng aftershocks, ito ay posibleng sa Metro Manila dahil doon naitala ang mga major earthquake ayon sa PHIVOLCS.

Facebook Comments