Malakas na lindol – yumanig sa Metro Manila at karatig lalawigan sa Luzon….pagguho ng lupa at pagkawala ng supply ng kuryente – naitala sa Batangas

Manila, Philippines – Niyanig ng malakas na lindol angilang bahagi ng Central at Southern Luzon kaninang pasado alas 3:00 hapon.
  Ang pagyanig ay naramdaman sa Metro Manila, Laguna,Batangas, Rizal, Cavite, Mindoro, Zambales at ilang bahagi ng Quezon province. 
  Sa interview ng RMN kay Lara Guianan ng PhilippineInstitute of Volcanology and Seismology – naitala ang 5.6 magnitude na lindolsa 2km North West ng Mabini, Batangas kaninang 3:07 ng hapon.
  Hindi naman nagpalabas ng tsunami warning ang PHIVOLCSdahil mababaw lamang aniya ito at tectonic ang nasabing pagyanig.
  Dahil sa malakas na pagyanig, naitala ang pagguho ng lupasa ilang bahagi ng batangas habang nawalan din ng kuryente sa probinsya at ilang lugar.
  
Una nang niyanig ng 5.5 na lindol ang Batangas City atilang parte ng Luzon noong Martes ng gabi.
 

Facebook Comments