Nagpapasalamat ngayon ang mga opisyales ng Brgy .Poblacion 9 sa Cotabato City at mga elemento ng City PNP dahil sa pagiging mapagmatyag ng mga residente at napigilan ang sanay malakas na pagsabog ng isang Improvised Explosive Device.
Sa panayam ng DXMY kay Pob. 9 Chairman Jonas Mohammad, pasado alas tres kahapon ng matagpuan ng mga mangangalakal na mga kabataan ang isang bagay na nakabalot sa isang masking tape at may mga wires.
Agad naman itong ipinagbigay alam sa Baranggay habang agad rin itong itinawag ng Baranggay sa mga otoridad. Sa pagsusuri ng mga elemento ng EOD TEAM, nagpositibo ito na IED. Agad itong dinifuse pasado alas syete kagabi.
Sa ginagawang imbestigasyon ng PNP bagaman may sangkap na C4 na may bigat na kalahating kilo ang IED wala naman itong kakayanang sumabog dahil kulang ito sa mga components ayon pa kay City Director Police Col. Richard Fiesta.
Hindi pa batid kung napulot lamang at naisakay sa garbage truck ang ito dagdag pa ni CD Fiesta sa panayam ng DXMY.
Muli namang nagpapaalala si CD Fiesta na panatilihin ang pagiging alerto para narin sa kaligtasan ng marami.
Kap Jonas Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>