
Tiwala si Senator Bam Aquino na magreresulta sa kongkretong suporta para sa mga magaaral ang malaking pondong inilaan para sa edukasyon.
Bumoto pabor si Aquino sa 2026 national budget kung saan P1.35-T ang inilaan sa edukasyon na pinakamalaki sa kasaysayan ng budget sa Pilipinas.
Ayon kay Aquino, mas maraming estudyante ang makikinabang sa malaking pondo dahil sa dagdag na silid-aralan, libreng pagkain at pagtaas ng pondo para sa libreng kolehiyo.
Nakapaloob sa P1.35-T na education budget ang P67-B na Free College Law, P68-B na konstruksyon ng mga classrooms, P25.6-B na School-Based Feeding Program at P500-M para sa Financial Support para sa RLE Requirements sa Allied Health Sciences Programs.
Samantala, nanawagan naman si Aquino sa taumbayan na manatiling mapagbantay upang matiyak ang wastong implementasyon ng pambansang pondo.










