MALAKI ANG AMBAG | Kooperasyon ng LGUs, importante sa matagumpay na edukasyon – ayon sa DepEd

Manila, Philippines – Malaki ang ginagampanan ng mga Local Government Units upang maipaabot ang basic quality education sa mga magaaral.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, isa sa mga sekreto upang maging matagumpay ang sistema ng bawat paaralan ay ang suporta nagmumula sa mga komunidad na nakapalibot dito.

Kaugnay nito, muli ring nanawagan ang kalihim sa mga guro, pamunuan ng mga paaralan at iba pang kabalikat ng Department of Education na tumulong sa pagpapanatili ng mga bagong tayong classrooms para sa kapakanan mga magaaral.


Facebook Comments