MALAKI ANG GASTOS | Panukalang muling nagpapaliban sa SK at Barangay Election, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa House of Representatives ang isang panukalang muling nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo.

Ayon kay Pimentel, malaki ang gastos na kakailanganin para sa eleksiyon.

Kailangan din aniyang mabigyan ang Commission on Elections (COMELEC) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ng sapat na panahon para mapaghandaan at matiyak ang kredibilidad nito.


Matatandaang dalawang beses nang naantala ang halalan matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaking porsiyento ng mga opisyal ng barangay ang may koneksyon sa kalakaran ng droga.

Una nang naghain noong isang linggo ng parehong panukala si Oriental Mindoro Rep. Rey Umali.

Facebook Comments