*Manila, Philippines – Ipinahayag ng Commission on Human Rights na malaki ang ipinagbago ng kampanya laban sa illegal na droga ng Duterte administration sa nakalipas na dalawang buwan magmula nang ibalik ito ni President Rodrigo Duterte sa Philippine National Police.*
*Ayon kay Jacky Deguia, spokesperson ng Commission on Human Rights, kapansin-pansin na bumaba ang mga kasong patayan sa mga ikinasang police operations.*
*Umaasa si DeGuia na magpatuloy ang wala pagdanak ng dugo sa mga operasyon ng PNP.*
*Aniya, pinatutunayan nito na kayang gayahin ng PNP ang nagampanan ng PDEA na ipatupad ang Republic Act 1965 nang walang nangyayaring patayan.*
*Gayunman, ayon kay De Guia ,magpapatuloy pa rin ang investigative monitoring nila sa implementasyon ng war on drugs.*