MALAKI ANG TIWALA | Dating CJ Sereno, tiwalang hindi magpapagamit ang AFP kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi tatalikuran ng Armed Forces of the Philippine o AFP ang taumbayan para magpagamit sa pansariling intres ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paalala ni Sereno sa mga sundalo, lawakan ang pananaw lagpas sa termino ni Pangulong Duterte na hanggang 2022 lamang.

Kasabay nito ay iginiit din ni Sereno kay Pangulong Duterte na huwag angkinin o ituring na pagaari na niya ang sandatahang lakas kapalit ng mga benepisyo at pagtaas sa sweldo ng mga ito.


Giit ni Sereno, anumang benepisyo, tulad ng mataas na sweldo, na tinatamasa ngayon ng mga uniformed personnel ay mula sa buwis ng mamamayan.

Si Sereno ay bumisita kay Senator Antonio Trillanes, gayundin kina opposition Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.

Facebook Comments