MALAKI ANG TIWALA | Ilang kongresista, tiwala na hindi mauuwi sa re-enacted ang 2019 budget

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ng ilang kongresista na hindi magiging re-enacted ang 2019 budget sa kabila ng gulo ngayon sa Kamara kaugnay sa naudlot na deliberasyon ng pambansang pondo sa plenaryo.

Naniniwala si Negros Occidental Rep. Albee Benitez na hindi papayag ang house leadership na i-hostage ang 2019 budget dahil lamang sa kontrobersiya ng P55 Billion na sinasabing nailaan sa ilang distrito ng mga kongresistang malapit kay dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Hinimok naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na resolbahin agad ang isyu sa budget para matiyak na hindi mabibitin ang pambansang pondo.


Samantala, nag-convene ang Kamara bilang Committee of the Whole para masimulan ang deliberasyon at amendments sa P3.757 Trillion 2019 budget.

Mismong si Andaya ang tumayong Chairman ng naturang komite habang si Deputy Speaker Fredinil Castro ang tumayo naman bilang Majority Floor Leader.

Sa talumpati ni Andaya, pinabulaanan nito na kakaltasan ng Kamara ang P3.757 Trillion proposed national budget dahil sa umano ay nakatagong pork barrel dito.
Sa katunayan, kulang pa nga raw ang halagang ito kaya naman ang mangyayari ngayon ay palalakasin pa nila ang 2019 budget

Facebook Comments