MALAKI ANG TIWALA | Justice Committee Chairman Rey Umali, kampanteng mapapatalsik sa quo warranto si CJ Sereno

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na tuluyang mapapatalsik si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ayon kay Umali, naniniwala siyang boboto ang mayorya ng mga Justices ng Korte Suprema pabor sa quo warranto petition katulad na lamang sa naging consensus na mag-indefinite leave noon si Sereno.

Aniya, kung may magbabago man sa bilang ay bahagya lamang ang mababago dito.


Kampate si Umali na kung may mababago man mga isa o dalawag boto lamang ang pwedeng pumanig sa Chief Justice.

Mababatid sa naunang statement ni SC Spokesperson Theodore Te, kumunsulta si Sereno sa dalawang senior justices ng Korte Suprema bago ito mag-take ng indefinite leave noong March 1.

Facebook Comments