MALAKI AT MAKULAY NA RAINBOW FLAG ANG INILATAG SA EAST CENTRAL INTEGRATED SCHOOL (ECIS) DITO SA LUNGSOD NG DAGUPAN CITY, BILANG PAKIKIISA SA PRIDE MONTH NGAYONG BUWAN NG HUNYO

Ang buwan ng June ay binansagang Pride month. Itoy pagkilala sa kontribusyon at dumaraming LGBTQ+ Community sa ating lipunan.
Bilang pagkilala at pakikiisa, isang malaki at makulay na rainbow flag ang inilatag sa East Central Integrated School (ECIS) dito sa lungsod Dagupan City na dinaluhan ng mga mag-aaral at guro. Para sa mga miyembro ng third sex, bakas ang saya sa kanilang mukha dahil senyales ito ng pagtanggap sa kanilang pagkakakilanlan.
Bahagi ng GAD O Gender and Development ang nasabing aktibidad kung saan nakapaloob sa programa nila ang SAFE o Sexuality Advocacy for Everyone. Layon nito ang pagtanggap at paggalang ng mga tao sa lahat ng sekswal sa komunidad lalong lalo sa loob ng paaralan.

Isa sa mga highlight ng SAFE program ay ang room-to-room advocacy campaign kung saan pakikinggan ang mga mag-aaral at guro sa kanilang opinyon o suggestion tungkol sa mga karapatan at isyu ng LGBTQIA+. |ifmnews
Facebook Comments