Malaki at organisadong mafia sa BuCor, nabunyag!

Mayroon umanong malaki at organisadong mafia sa loob ng Bureau of Corrections.

 

Ito ay base sa impormasyon mula sa mga testigo ng Senado sa sinasabing “GCTA for sale” sa bilibid.

 

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, umaabot ng P50,000 hanggang P1.5 million ang demand ng mafia kapalit ng maagang pagpapalaya sa mga preso.


 

Sangkot aniya sa mafia ang ilang opisyal ng BuCor.

 

Una nang humarap sa pagdinig ng Senado si Yolanda Camelon kung saan ibinunyag niya ang pagbabayad nila ng P50,000 sa ilang opisyal at tauhan ng BuCor kapalit ng pag-a-adjust sa good conduct time allowance record ng kanyang asawa at para mabawasan ang sentensya nito.

 

Samantala, isa pang testigo ang haharap sa Senado sa Lunes para patunayan nag “GCTA for sale”.

Facebook Comments