Kasado na ang panibagong bugso ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa final estimates ng mga kumpanya ng langis, posibleng bababa ng ₱2.90 hanggang ₱3.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang nasa ₱2.00 hanggang ₱2.30 ang inaasahang bawas-presyo sa kerosene.
Gayundin ang gasolina na maglalaro sa ₱0.50 hanggang ₱0.80 ang rollback.
Inaasahang ilalabas ang official price adjustment bukas, November 13 at ipatutupad din sa Martes, November 14.
Facebook Comments