Malakihang bawas-presyo sa diesel at kerosene, kasado na sa susunod na linggo; kerosene, may kakarampot ding rollback

Kasado na ang panibagong bugso ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa final estimates ng mga kumpanya ng langis, posibleng bababa ng ₱2.90 hanggang ₱3.20 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang nasa ₱2.00 hanggang ₱2.30 ang inaasahang bawas-presyo sa kerosene.


Gayundin ang gasolina na maglalaro sa ₱0.50 hanggang ₱0.80 ang rollback.

Inaasahang ilalabas ang official price adjustment bukas, November 13 at ipatutupad din sa Martes, November 14.

Facebook Comments