
Hindi ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inaasahang malawakang kilos-protesta sa November 30, na mas malaki at mas organisado kaysa sa naganap noong September 21.
Sa press conference sa South Korea, sinabi ng Pangulo na nauunawaan niya ang galit ng publiko sa isyu ng korapsyon dahil ang perang dapat para sa serbisyo at pagkain ng mamamayan ay napupunta umano sa maling paggamit.
Ayon sa Pangulo, ang tanging ikinababahala ng pamahalaan ay ang posibilidad na mapasukan ng mga manggugulo ang protesta.
Binalaan niya ang mga magdadala ng pampasabog o Molotov cocktail na wala silang lugar sa mapayapang pagkilos.
Paalala niya, dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng mga makikilahok at ng mga pulis na nagbabantay upang mapanatili ang kaayusan.
Giit ni Marcos, walang saysay ang karahasan sa ganitong mga pagkilos dahil ito’y nagdudulot lamang ng pagkakawatak-watak ng mamamayan.









