Ikinatuwa ng ilang carinderia owner sa Pasay City ang inanunsyong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Epektibo kasi ngayong araw ang mahigit P6 rollback ng mga kompanyang Petron at Phoenix, katumbas ng ₱67-₱68 na dagdag sa bawat 11 kilogram cylinder ng kanilang Gasul.
Ayon kay Nanay Melanie, malaking bagay umano ito dahil mababawasan ang gastos nila sa pagpapalit ng LPG, tatlong beses sa isang araw daw kase sila kung magpapalit ng LPG sa dami na rin ng kanilang hinahain.
Samantala, dagdag naman ng iba pang mga carinderia na sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng LPG ng sa gayon ay makamenos naman sa gastos.
Facebook Comments