Malakihang rollback sa presyo ng langis, kasado na bukas

Kasado na bukas, November 16 ang malakihang rollback sa presyo ng langis.

Ito na ang ikalawang linggo ng tapyas-presyo sa langis na unang naganap noong November 9.

Sa gasolina, maglalaro sa P1.10 centavos hanggang P1.20 centavos kada litro ang ibabawas.


Habang P0.10 centavos hanggang P0.20 centavos kada litro sa kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Paliwanag ng mga taga-industriya, isa sa mga dahilan ng tapyaspresyo ay ang paglakas ng piso kontra dolyar.

Nagpahupa rin sa presyo ng langis ang pahayag ng Estados Unidos na maglalabas sila ng krudo sa kanilang reserba para mapababa ang presyo ng petrolyo.

Facebook Comments