Halos nasa apat na piso ang pinakamalaking rollback ngayon sa presyo ng mga produktong langis na epektibo kahapon lamang, April 15, 2025.
Bumaba ang presyo ng mga petrolyo sa kada litro ng mga ito, tulad sa Gasoline na nasa P3.60 ang bawas, Diesel na may tapyas na P2.90 at Kerosene na nasa P3.30 naman ang ibinaba.
Ikinatuwa ito ng ilang motorista sa Dagupan City dahil malaki laki raw umano ang bawas sa kada litro nito ngayon kung ikukumpara sa dating presyuhan na katiting lamang ang rollback.
Bagamat nananatili ang patuloy na paggalaw sa presyo ng mga produktong langis ay umaasa ang mga ito na sana ay magtagal.
Sa kabilang banda, nangangamba naman ang ilan dahil baka raw ay ibawi rin umano ito sa oil price hike sa mga susunod na araw.
Samantala, ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan Team na mga PUV drivers, mabuti raw at bumaba ang presyo nito lalo ngayong pagdaraos ng Semana Santa na inaasahang lalakas din ang kanilang kita dahil sa dagsa sa iba’t-ibang pook-pasyalan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨