Malaking ambag ni JPE sa public service at pamamahala sa bansa, binigyang diin ng mga kongresista

Malaking ambag ni JPE sa public service at pamamahala sa bansa, binigyang diin ng mga kongresista

Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, nagdadalamhati ang buong Kamara sa pagpanaw ni dating Senate President at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na may maipagmamalaking sakripisyo na humubog sa ating bansa.

Para naman kay dating House Speaker at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez, sa pagpanaw ni JPE, nabawasan ng haligi ang serbisyo sa publiko dahil sa ilang dekada nitong naging mahalagang papel sa pamamahala sa bansa.

Hinangaan naman ni House Minority Leader Rep. Marcelino Libanan ang matagal na panahon na buong pusong inialay ni JPE ang talino, tapang, at kakayahan sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino, gayundin ang buong husay na dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng bansa.

Diin naman nina Manila Representatives Joel Chua at Rolando Valeriano, nakaukit na sa kasaysayan ang mga nagawa ni JPE, na may hindi matatawarang husay sa batas, pananalapi, pambansang seguridad, politika, enerhiya, at lokal na pamahalaan.

Sabi naman ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes, pinatunayan ni Enrile na hindi hadlang ang edad para patuloy na maglingkod sa mamamayan.

Naniniwala naman si AKO BICOL Party-list Rep. Alfredo Garbin na kakaunti lang ang maaring makapantay sa kalidad ng pagiging public servant ni JPE, lalo na sa talino nito pagdating sa taxation, finance, commercial law, at international law.

Facebook Comments