Manila, Philippines – Tumaas ang remittances na natanggap ng Pilipinas nitong 2017.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 28.1 billion dollars ang remittance transfer, 4.3% na mas mataas kumpara noong 2016.
Umabot naman sa 31.3 billion dollars na naitalang personal remittances kabilang ang household-to-household, current at capital transfers in cash or in kind.
Dagdag pa ng BSP, ang patuloy na pagpapadala ng pera ng mga OFW ay malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng bansa kung saan 10% ang naiaambag nito sa Gross Domestic Product (GDP) at 8.3% mula sa Gross National Income (GNI).
Aktibong nanggagaling ang remittances mula sa mga bansang: Estados Unidos, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at Hong Kong.