Malaking bahagi ng salaping gastusin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa 2023 ay ilalaan sa paglaban sa epekto ng climate change.
Ayon kay DENR Undersecretary for Finance, Information Systems and Climate Change Analiza Rebuelta-Teh, ang extreme weather events sa ngayon ay dulot ng pagkasira ng kagubatan na nagsasanhi ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Panahon na aniya na solusyunan ito sa pamamagitan ng green nature-based solutions.
Nasa ₱23.04-billion ang inihihirit ng DENR na budget para sa 2023.
Ayon kay Teh, sa kabuuang ₱15 billion na laan sa operations nito na aabot sa ₱7 billion ay gagastusin para suportahan ang climate action.
Tututok ang ahensya sa sustenableng pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa, ang pagtiyak ng malinis at malusog na kapaligiran at ang sustained natural resiliency program.
Pangunahing agenda ng DENR ay ang pakikipagtulungan sa ibang national government agencies upang ipatupad ang climate adaptation at mitigation na siya ring nakahanay sa climate agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.