Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na halos wala ng paggalaw sa naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang tinatawag na major island group sa bansa gayundin ang NCR Plus ay wala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 simula noong Nobyembre.
Aniya, nasa minimal risk classification ang bansa kasama ang maraming rehiyon.
Pero mayroon aniyang tatlong lalawigan na binabantayan dahil sa pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo.
Kabilang dito ang Eastern Samar na nasa moderate risk classification, Western Samar at Zamboanga Sibugay na nasa low risk classification.
Facebook Comments