Malaking bahagi ng bansa, uulanin dahil sa Amihan, shear line at localized thunderstorm

Northeast Monsoon o Hanging Amihan pa rin ang magdadala ng pag-ulan sa Luzon kasama na ang Metro Manila.

Maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms naman ang iiral sa Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar at Samar dahil sa shear line.

Habang localized thunderstorms ang makaaapekto sa Palawan, natitirang bahagi ng Visayas at sa Mindanao.


Kaugnay nito, makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at isolated rain showers ang mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments