Manila, Philippines – Makakaranas pa rin ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ito’y dahil sa Low Pressure Area na huling namataan sa layong 50 kilometers, hilagang silangan ng Iloilo City.
Maliit ang tyansa nito na maging isang ganap na bagyo habang tumatawid ito ng Visayas.
Asahan ang pag-ulan sa timog ng Luzon, buong Visayas at hilagang Mindanao.
Mataas ang tyansa pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila pagdating ng hapon hanggang gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
Sunrise: 5:45 ng umaga
Sunset: 5:49 ng gabi
Facebook Comments