MALAKING BAHAGI NG DAGUPAN CITY, LUBOG PA RIN SA BAHA

Lubog pa rin sa baha ang malaking bahagi ng Dagupan City ngayong Martes bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat na sinabayan pa ng high tide, dahilan para mabilis na tumaas ang tubig sa maraming mabababang lugar sa lungsod.

Ayon sa Flood and Travel Advisory na inilabas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Pangasinan Risk Management Council (PARMC) kahapon, hindi na madaanan ng mga light vehicles and limang pangunahing kalsada sa lungsod.

Kapansin-pansin din sa mga binahang lugar ang mga tricycle at sasakyang hirap na makatawid habang ang mga residente ay naglalakad na lamang sa baha.

Bukod sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga kalsada, nasa critical level na rin ang Sinucalan River. Dahil dito, mahigpit itong binabantayan ng mga awtoridad upang maagapan ang posibleng pag-apaw at mas matinding pagbaha sa mga kalapit na bayan.

Pinayuhan ng mga opisyal ang publiko na umiwas sa mga apektadong daanan at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso. Ayon sa PAGASA, posible pang tumagal ang mga pag-ulan sa mga susunod na oras kaya’t hinihimok ang mga residente na maging alerto at handa sakaling kailanganin ang agarang paglikas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments