Malaking bahagi ng dumating na 2 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, nakalaan para sa second dose – NTF Against COVID-19

Nakalaan para sa second dose ang malaking bahagi ng dumating na 2 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mula sa 2,028,000 na supply ng bakuna, 1.5 million dito ang para sa second dose.

Aniya, ito ay gagamitin sa mga indibidwal na nabakunahan mula pa noong buwan ng Mayo at Hunyo.


Habang ang higit 500,000 doses naman ay ipapadala sa mga rehiyon na mataas ang populasyon na para naman sa mga nasa ilalim ng A2 at A3 priority groups.

Sa kabuuan, nasa 20,607,570 doses na ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas mula sa mga donasyon ng ibang bansa at COVAX facility at ang mga binili mismo ng national government.

Facebook Comments