Malaking bahagi ng pondo ng CHED, mapupunta sa Free Tertiary Education

Mapupunta sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) ang malaking bahagi ng pondo ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa budget deliberation para sa 2021, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera na sa P50.928 billion na pondo ng komisyon, P44.2 billion dito ay ilalaan para sa free higher education.

Mas mataas ng 13.49% ang pondo sa susunod na taon para sa free higher education kumpara sa P38.9 billion sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.


Inamin naman ni De Vera na maraming eskwelahan ang napilitang magbawas ng mga tauhan dahil sa mabagal na pag-download at pagbibigay ng pondo sa free tertiary education.

Sinabi ni ACT-Teachers Rep. France Castro na dahil sa mabagal na pag-download sa pondo ng free higher education ay apektado ang supplies, equipment at pasahod sa mga contractual na faculty members.

Pero nilinaw naman ni De Vera na marami sa colleges at universities ang non-compliant sa pagsusumite ng requirements dahilan kaya hindi naibibigay agad ang pondo sa mga ito.

Facebook Comments