Inaabisuhan ng Pangasinan 1 Electric Cooperative (PANELCO 1) ang publiko na magkakaroon ng pansamantalang power interruption sa malaking bahagi ng Western Pangasinan ngayong Marso 24, 2026, sa dalawang schedule: mula 4:00 hanggang 4:30 ng umaga at mula 8:30 hanggang 9:00 ng umaga.
Ang interruption ay kaugnay ng emergency pull-out ng 5MVA power transformer sa Bani Substation at ang pagbubukas at pagsasara ng ABS Bani.
Apektado ang buong mga bayan ng Anda, Agno, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta, at Mabini, pati na rin ang Alaminos City.
Pinaalalahanan naman ang mga residente na maaaring ma-energize ang linya bago ang nakatakdang oras, kaya’t panatilihin ang maingat na paggamit ng kuryente at kagamitan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










