Malaking bilang ng advertisers, nakiisa sa ginaganap na “Media Bai 2024” ng RMN Marketing and Media Ventures

Dumagsa ang malaking bilang ng advertisers sa ginaganap na “Media Bai 2024” ng RMN Marketing and Media Ventures sa White Place sa Makati City.

Ayon kay Radio Mindanao Networks Inc. Chairman and President Eric Canoy, inilunsad ng RMN Marketing and Sales Arm ang naturang event para maipakilala sa publiko ang mga produkto lalo nasa Visayas at Mindanao kung saan may mahigit 20 himpilan ang RMN News.

Ito ay mula naman sa kabuuang 65 AM at FM Radio Stations ng RMN Networks sa buong bansa.


Tiniyak naman ni Republic Group of Companies o RGC CEO Bryan Yap na sa tulong ng RMN AM at FM Radio Stations ay maipapakilala sa publiko ang mga produkto sa mercado.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni RMN Marketing and Media Ventures and Chief Operating Officer (COO) Erika Canoy-Sanchez ang Republic Group of Companies sa partnership nito sa RMN Networks sa ginaganap na “Media Bai 2024” sa Makati City.

Present din sa ginaganap na “Media Bai 2024” sina RMN Executive Vice President and Chief Operations Officer Enrico “Rico” Canoy, RMN Foundation Vice President and Corporate Communications Head Enrique “Ikee” Canoy at Ginoong Andy Canoy ng RMN Foundation.

Facebook Comments