
Pinaghahandaan na ng airport authorities ang pagdagsa ng mas malaking volume ng mga pasahero sa Easter Sunday.
Ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC), 712,932 na mga pasahero ang inaasahang dadagsa sa NAIA Terminal 3 sa Linggo.
Habang sa NAIA Terminal 2 ay 346,342 at sa NAIA Terminal 1 ay halos 294,000 na mga pasahero ang inaasahan sa Easter Sunday.
Pinapayuhan naman ng NNIC ang mga pasahero na ugaliing i-check ang flight advisories at maglaan ng karagdagang oras sa kanilang pagtungo sa paliparan.
Hinihimok din ang mga pasahero sa international flights na kumpletuhin ang kanilang eTravel registration bago magtungo sa NAIA upang maiwasan ang delay sa kanilang pagproseso.
Facebook Comments










