Malaking bilang ng overstaying cargoes sa Manila Ports, naalis na ayon sa DOTr

Tuloy-tuloy pang inaalis ng mga shippers at consignees ang mga overstaying cargoes sa Manila International Container Terminal at Manila South Harbor sa Maynila.

Tugon ito sa apela ng Department of Transportation at Phil. Ports Authority sa mga Shippers at Consignees para magkaroon ng espasyo ang daungan.

Partikular na para sa Shipments ng mga items na kailangan ng gobyerno na magamit sa  pakikipaglaban para makontrol ang pagkalat ng Coronavirus Disease o (COVID-19).


Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, may 75% nang maluwag ang daungan na sapat na magamit na higit sa 60% na target ng DOTr at PPA.

Tiniyak naman ni PPA GM Jay Daniel Santiago sa mga Shippers at Consignees na nag aalis ng kanilang mga cargoes sa MICT na lahat ng transaksyon ay naipapatupad ng maayos.

Nagtutulungan na aniya ang Bureau of Customs, PPA at terminal operators para mapabilis lamang ang proseso ng transaksyon ng mga Consignees.

Facebook Comments