Malaking bilang ng Pinoy repatriates mula Riyadh, dadating ngayong araw sa bansa

67

Manila, Philippines – Karagdagang isang daan at limampung undocumented OFWs mula Riyadh, Saudi Arabia ang dadating sa bansa ngayong araw.

Alas tres mamayang hapon dadating sa NAIA 3 ang Cebu Pacific flight 5J 741 sakay ang Pinoy repatriates.

Kabilang pa rin sila sa mga nabigyan ng exit visa matapos mag avail ng amnesty program ng Saudi Govt.

Libu-libo pang undocumented OFWs ang nakatakdang dumating sa bansa mula Saudi Arabia.

Facebook Comments