Malaking bilang ng recoveries sa COVID-19, ilalabas ng DOH sa Lunes

69

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na sa darating na Lunes ay maglalabas sila ng malaking bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.


Ito ay matapos makapagsumite na ang mga Local Government Units (LGUs) ng data ng COVID cases sa kani-kanilang nasasakupan.

Nilinaw din ng DOH na ang 42 deaths na naitala ngayong araw ay nangyari sa magkakaibang buwan.

Paliwanag ng DOH, 12 sa mga ito ay nasawi noong nakalipas na buwan habang ang 27 ay pumanaw ngayong July 2020.

Sa usapin naman ng pagsusuot ng mask habang nagja-jogging, nilinaw ng DOH na hindi kailangan magsuot ng face mask ng mga nagsasagawa ng active exercise.

Gayunman, kailangan aniyang pairalin ang dalawang metrong social distancing.

Pero kapag hindi suot ang face masks, mahigpit aniyang inirerekomenda ang pagsusuout ng face shield.




Facebook Comments