
Tinitiyak ni Senate Committee on Basic Education Chairman Bam Aquino na mahigpit at tuloy-tuloy na babantayan ng kanyang komite ang paggamit ng mga ahensya sa pondo ng edukasyon ngayong taon.
Ang education budget para sa taong 2026 na aabot ng P1.34 trillion ang pinakamataas sa ilalim ng 2026 national budget.
Pinasisiguro ni Aquino ang wastong paggastos sa pondo ng edukasyon upang matiyak na matutupad ang mga pangakong proyekto at programa.
Giit ng senador, sa gagawing pagbabantay sa pondo ay walang makalulusot na ghost projects at ghost students.
Batid naman ni Aquino na ang bola o malaking hamon ngayon ay nasa mga education agencies na partikular sa pagtiyak na ang paggugol sa pondo ay nasa tamang presyo at walang masisingit na korapsyon.
Sa ilalim ng pondo ay iginiit ni Aquino ang mabilis at transparent na implementasyon ng mga mahahalagang programa tulad ng pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan, pagpapalawak pa sa libreng kolehiyo at pagtaas ng student allowances.










