Nagpahayag ng buong suporta si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa pinalaking pondo para sa Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon.
Base sa panukalang 2023 national budget ay 2.3 billion pesos ang nakalaang pondo para sa OVP sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Tatlong beses itong mas mataas sa 713.2 million pesos na pondo ngayong taon ng OVP.
Tiwala si Herrera na bawat sentimo ay maibubuhos sa kasalukuyang at darating pang programa para sa kapakanan ng mamamayan.
Binanggit ni Herrera na mayroon ding special provisions na nakapaloob sa National Expenditure Program na nag-aatas sa OVP na maglabas ng report ukol sa pondo nito at mga accomplishments.
Facebook Comments